(Average reading time: 1 min.)
Paano nagsimula ang universe at paano ito magwawakas?
Dahil walang Creator God ang Buddhism, wala rin itong creationist story. Pero mayroong isang Buddhist text na tinatawag na Aggañña Sutta na naglalarawan sa pinagmulan ng tao. Puno ito ng mga kakaibang kwento tungkol sa mga sinaunang nilalang na may libong taong lifespan at kumakain ng matamis na lupa. Habang sineseryoso ito ng mga conservative Buddhists, maraming modernong iskolar ang naniniwala na hindi ito dapat seryosohin nang literal ng Buddha. Sa halip, malamang na gumamit lang siya ng katatawanan at parody para asarin ang mga Vedic creation stories noong panahon niya.

Kapag dumating na sa mga seryosong tanong kung paano nagsimula ang uniberso o kung magpapatuloy ba ito nang walang katapusan, tahasang tinawag ito ng Buddha na “unanswerable” (walang kasagutan). Naniniwala siya na mali ang pagkakalatag ng mga tanong na ito dahil inaasumu ng mga tao na mayroon dapat itong tiyak na simula at dulo sa oras at espasyo. Para sa Buddha, ang pag-aalala sa mga bagay na ito ay abala lang sa inyong pag-prapractice. Itinuturing niya itong isang haka-haka at hindi espirituwal na tanong na walang kinalaman sa pagtatapos ng inyong suffering.
Hanggang ngayon, hindi sinusubukan ng Buddhism na ipaliwanag ang lahat, especially things that belong to the realm of science rather than spirituality. Para sa partikular na tanong na ito, mas mabuting sumangguni kayo sa science of cosmology para sa mga makatwirang sagot kaysa sa mga Buddhist mythology (or to any other religion for that matter).
Feel free mag-post sa ating wall kung mayroon kayong feedback, komento o tanong. Narito ang ilang bagay na maaari mong talakayin sa grupo:
- How does the universe’s vastness affect your sense of human purpose?
- Would you like to discuss Buddhism’s view of karma as an alternative to the teaching of destiny or God’s plan?
- If the universe is just an ongoing, boundless web of prior causes and conditions, how do you explain the very origin of existence itself?
