Ang PTBF ba’y study group o practice group?
Picture: Various portraits of Theravada monks & vipassana meditation masters

Ang PTBF ba’y study group o practice group?

(Average reading time: 3 mins.)

Study group or practice group?

Both. Sa theoretical study ng Buddhadhamma at practice ng meditation, pilit nating kina-cultivate ang spiritual values base sa original teachings ni Buddha Gotama mula sa early Buddhist sources gaya ng Pali suttas at Sanskrit agama scriptures. Naniniwala kami na ang study ng Buddhist doctrines (“pariyatti”) ay dapat laging kasabay ng dhamma practice (“patipati”). Sinusunod din namin ang advice ni Buddha na ang Dhamma ang ating maging guro.

Kaya hindi kami nakatali sa iisang Buddhist master o tradition. Umaasa kami sa teachings ng iba’t ibang teachers ng early Buddhism para sa systematic study ng mga sutta, tulad nina late Ven. Dhammavuddho, late Ven. Madawela Punnaji, Ven. Ṭhānissaro, Ven. Analayo, Bhikkhu Bodhi, Mr. Piya Tan, at iba pa.

Hindi academic group ang PTBF. Wala kaming Buddhist scholars at hindi kami nag-ke-claim na gumagawa ng academic research. Pero ang mga dhamma discussion naman namin ay well-grounded sa Buddhist studies.

Malaking feature ang meditation sa fellowship natin. May kasabihan nga kami, “Buddhism without meditation is not the Buddhadhamma. Meditation without Buddhism is also not Buddhadhamma.”

Ang PTBF ba’y study group o practice group?
Picture: Various portraits of Theravada monks & vipassana meditation masters

Naniniwala rin kami na ang authentic practice ay nakabase sa foundation ng ethics at moral behavior. Hindi tulad ng iba, hindi namin pinaghihiwalay ang “concentration” (samatha) at “insight” (vipassana); para sa amin, sila ang “two wings of a bird” na parehong kailangan para ‘makalipad.’

BURMESE VIPASSANA TRADITIONS – Ang practice natin ng meditation ay base mostly sa SN Goenka method at U Ba Khin tradition na itinuturo sa International Meditation Center. May kaunting influence din mula sa Mahasi, Mogok, Sun Lun, Shwe Oo Min, at Pa-Auk methods. Nagme-meditate kami sa apat na classical postures, hindi lang paupo. Ginagawa rin natin ang metta meditation.

THAI FOREST TRADITION – May kaunting Ajahn Chah influence din ang PTBF, sa pamamagitan ng late Ven. Dhammavuddho mula sa Vihara Buddha Gotama forest monastery sa Malaysia. Nag-pa-practice din kami sa ilang kammaṭṭhāna meditation practices, kasama ang contemplation sa Triple Gem, devas, kamatayan, at brahma-vihara. Tuwing summer months, ginagawa namin ang mga session outdoors sa open parks para i-honor ang forest tradition ng mga sinaunang practitioner.

Ang rason kung bakit malawak ang range ng meditation techniques natin sa halip na sumunod sa iisang style lang ay dahil nakabase talaga ito sa Early Buddhist Texts (EBTs) imbes na sa mga huling institutional traditions. Tinitingnan namin ang Pali Canon bilang isang malaking psychological toolkit. Ang mga foundational text—gaya ng Satipatthana Sutta—ay hindi nagtuturo ng iisang rigid technique lang. Nagbibigay ito ng maraming avenues of contemplation (mindfulness of breath, posture, bodily elements, at feelings). Ginagaya ng PTBF ang breadth na ito sa pamamagitan ng pagkuha mula sa kahit anong orthodox lineage na tumutugma sa mga source text.

Sa halip na mag-enforce ng iisang dogmatic technique, ang hybrid approach natin ay dahil sa mga praktikal na rason. Ang rigid, single-method approach ay gumagana nang maayos sa isang tahimik na monastery, pero madalas itong sumasablay sa mga layperson na humaharap sa matinding urban stress, irregular sleep, o daily anxieties. Dahil na-e-expose ang mga member sa iba’t ibang approaches, may option silang pumili ng sariling personal method o gumamit ng technique na angkop sa sitwasyon.

Dahil walang malawak at accessible na network ng meditation temples sa Pilipinas, ang pag-lock sa fellowship sa iisang method lang ay magiging hassle sa mga member na hindi makakalipad abroad para sa mga specialized retreat. Ang pagbibigay ng comprehensive toolkit ay nagbibigay-lakas sa mga lokal na laypeople na bumuo ng matatag at personalized independent daily practice sa bahay, na siyang core mission ng fellowship.

Inuulit ng PTBF na HINDI ito isang meditation school kundi isang study circle ng mga kapantay.

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *