(Average reading time: 3 min.)
Focus at disiplina na walang hierarchy
Dahil hindi katulad ng isang corporation o traditional temple and PTBF, nagtataka ang iba kung paano na me-maintain ang discipline at focus. Nagsimula kami sa pagbuo ng isang core group ng mga indibidwal na committed sa meditation. Ang training namin sa meditation ay hindi lang limitado sa PTBF; pinapatatag din ito ng regular na pag-sali sa mga intensive retreat kasama ang mga dedicated meditation groups sa ilalim ng mga kilalang master. Gayunpaman, hindi kami kumukuha ng iisang tao bilang spiritual guru namin.
Sa halip, isinasapuso namin ang huling habilin ng naghihingalong Buddha na sa halip na sa iisang tao, ituring ang kanyang teachings bilang atin gabay. (re: Mahaparanibbana Sutta). Theravada monks continuously emphasize that they are not gurus but merely senior students passing down instructions from the ultimate teacher, Buddha Gotama. Kahit si Buddha Gotama mismo ay tahasang tumanggi na itayo ang kanyang sarili bilang isang guru o rajasangha (sovereign ng monastic community). Sadyang binuo niya ang Sangha bilang isang egalitarian at decentralized democracy na pinapatakbo lang ng Dhamma (the Teachings) & ng Vinaya (the Disciplinary Code). Instead of a guru, the primary relationship model in early sanghas was the Kalyāṇa–mitta (noble or spiritual friend).

Kaya naman, pinili naming tanggihan ang isang personality-oriented organization at nag-operate kami bilang isang flat, informal, at non-hierarchical fellowship. Ang tingin ng mga member sa isa’t isa ay mga spiritual friends na nagsasama para sundin ang Dhamma. Sumusunod kami sa mga prinsipyo na nakapaloob sa Pali scriptures upang madisiplina at masuportahan ang bawat isa.
While we are very careful to identify ourselves as ordinary practitioners without any level of Enlightenment, we do have the honest confidence acquired through years of practice to be able to share the Dhamma, hindi bilang mga guro kundi bilang mga kasamahan (colleagues). Tuwing session, ang mga mas experienced at informed na member ang nag-a-act bilang facilitator nang salit-salit.
Kapag nagfa-facilitate kami ng mga discussion, maaaring maging authoritative ang tono namin. Hindi ito performative kundi isang assertion na may back-up ng maraming taon ng technical study at meditative experience. Sa ilalim ng PTBF setup, ang authoritative presence at ang isang flat organization ay hindi nagkokontrahan—sa katunayan, kailangan nila ang isa’t isa para mag-function nang ligtas.
In many spiritual groups, a loud, aggressive, or narcissistic participant can take advantage of the presumed “kind-heartedness” of the other members. Kung walang pumapalag o kumokontra, ang ganitong indibidwal ay pwedeng manggulo o mang-hijack ng mga discussion. Ang isang flat, hyper-democratic, o walang istrakturang grupo ay pwedeng bumagsak sa huli dahil wala itong matatag na authoritative presence.
Sa PTBF, ang mga strict moderation procedure ay nagsisilbing protective shield para panatilihing democratic, ligtas, at conducive para sa pag-aaral ang space, lalo na para sa mga tahimik at introverted na practitioner. Sa pamamagitan ng mabagsik, polite, at desididong pag-cut off sa mga troll, dogmatic arguers, o mga off-topic na rants, pinipigilan ng facilitator ang sinumang indibidwal na magreyna o mag-dominate sa kuwarto. Ang higpit namin ay strictly lesson-bound, hindi ego-driven. Ginagawa namin ito para protektahan ang tahimik na focus ng session mula sa abala, at hindi para ipagtanggol ang anumang personal na status.
Ang kawalan ng isang resident guru o social hierarchy sa PTBF ay napagkakamalan kung minsan bilang kakulangan sa technical expertise, focus, o disiplina. Critics fail to see that the discipline resides entirely within our rigorous meditation practice itself. In our experience, unruly & belligerent people tend to drop out our meetings all by themselves.
