(Average reading time: 1.5 min.)
Unique ang PTBF sa bansa bilang:
Local-based & Independent: Hindi kami imported mula abroad o affiliated sa ibang bansa. Kami any isang katutubong samahang na pinamumunuan ng mga lay Buddhist practitioners na Pilipino. We provide peer support that connects you with a community of fellow laypersons navigating the exact same modern struggles, making the integration of mindfulness into your daily routine highly relatable. Bilang Theravadin, lubos naming iginagalang ang sangha at madalas namin imbitahin ang mga Theravada monks sa aming mga kaganapan at pagpupulong.
Meditation-oriented: We deliberately strip away cultural and ritualistic layers to focus on the raw practice of mindfulness. Itinuturing namin ang meditation bilang isang praktikal, psychological tool para sa modernong buhay, na nanggagaling sa Burmese vipassana meditation traditions at Thai Forest tradition. May kinukuha din kami mula sa ibang tradition tulad ng Zen kung ito ang angkop.

Study & Practice Together: Focus kami sa seryosong meditation kasabay ng pag-aaral ng Early Buddhism at Pali scriptures. Ang aming diskarte sa pag-aaral ng sutta ay hindi akademiko. Instead, we treat the text as a practical, psychological manual for personal mental training.
Small but Globally Recognized: Maliit lang kami pero kinatawan namin ang Filipino Buddhist community sa mga international events tulad ng United Nations Day of Vesak (UNDV) at ASEAN Interfaith Conference. Sa ngayon, kami ay sadyang maliit upang makapagbigay ng isang specialized group na gumagana tulad ng isang classroom na may nakalaang syllabus. Sa pamamagitan ng mahigpit na pagsasanay at pag-aaral, hindi tayo naghuhubog ng “casual believers.” Instead, we cultivate a deeply knowledgeable base of domestic lay practitioners.
